Posted by Julius on Jul 12, '08 9:07 PM for everyone Ang lupet talaga ni JV Casio. Salamat sa kanyang kahusayan sa basketball, nanalo ang La Salle Green Archers sa laban nila ng FEU Tamaraws noong makailan lang. Kailan naman kaya nila matatalo at makakaganti sa Ateneo Blue Eagles? Exciting talaga ang UAAP. Mabalik naman ako sa penalty na ibinigay ng mga opisyales noong nakaraang laro sa La Salle dahilan sa hindi pagsuot ni Coach Franz Pumaren ng kanyang opisyal na UAAP ID noong una nilang laban sa Ateneo Blue Eagles nang nagbukas ang UAAP Season 71. Apila ng Green Archers na hindi patas at, ayon sa isang sulat ng La Salle sa UAAP board, “unjustly penalized” ang nangyari sa kanila dahil noong pagbubukas ng UAAP, hindi rin nagsuot ng ID si Coach Pido Jarencio ng UST pero hindi naman siya pinarusahan dahil dito. Ang pakiramdam tuloy ng La Salle ay parang pinag-initan sila ng mga opisyales ng UAAP ng mga oras na iyon. Ang tugon naman ng UP na siyang host ng UAAP ngayon ay ang pagsabi na magkakaroon na ng “consistent application of rules” sa mga susunod na laro. Mabuti kung ganoon. Pero kung magkakaganoon nga, tama lang pagbibigay ng penalty sa La Salle dahil sa hindi pagsusuot ng ID noong opening game ng UAAP. Alam kong madaming mga kapwa ko Lasalyano ang maiinis sa akin pero konting hinahon lang at pakinggan nyo ako kahit mapasandali. Dura Lex Sed Lex Sa Ingles ito ay: “the law may be harsh, but it is still the law.” Naniniwala ako na hindi intensyon ni Coach Franz Pumaren na labagin ang mga alituntunin ng UAAP. Sa palagay ko, nasanay na siyang hindi magsuot dahil sa tagal na niyang coach sa UAAP, tila ngayon pa lamang siya nasita ng mga opisyales dahil sa hindi pagsusuot ng opisyal na ID alinsunod sa mga alituntunin ng liga. Ganito rin ang nakikita kong sitwasyon sa ibang kuponan kaya halos lahat sila ay nasanay nang hindi nagsusuot ng ID tuwing may laro. Bagaman wala itong mabigat na epekto sa mga manlalaro o resulta ng mga laro, mahalaga pa rin ang mga ID dahil nakakatulong ito sa seguridad at iba pang aspeto ng UAAP. Pero, sa aking palagay, kaya nasanay ang mga kuponan na hindi magsuot ng kanilang mga ID ay sa dahilang hindi rin naman “consistent” ang mga opisyales ng UAAP sa pagbabantay na suot nga nila ang mga opisyal na ID nila at pagpapatupad ng mga alintuntunin ng liga. Samakatuwid, kasalanan o kapabayaan ng UAAP administrators ang maling nakasanayan na ito ng mga kuponan sa UAAP. Kaya tama lang at sana tuparin nga nila ang sinabi ng UP na sa mga susunod na laro ay magkakaroon na ng “consistent application of rules“. Mabalik ako sa nangyari sa La Salle at bakit ko nasabing tama lang na nabigyan sila ng penalty dahil sa paglabag sa mga alituntunin ng UAAP. Muli, “dura lex sed lex” May punto ang La Salle na “unfair” namang sila lang nabigyan ng penalty samantalang may ibang kuponan na may parehong paglabag sa mga alituntunin pero wala silang penalty o kaparusahan. “…bagay na hindi katangian ng mga Lasalyano.” Pero sa mga nag-iisip na hindi dapat binigyan na penalty ang La Salle dahil dito, ikinalulungkot kong hindi ito tama. Dahil lalabas na kinukunsinte o hinahayaan lamang ng La Salle ang kultura ng hindi pagsunod sa mga alintuntunin ng UAAP. Lalabas sa mata ng lahat na sa kagustuhang manalo ng La Salle, babaliwalain na nito ang mga alituntunin at regulasyon sa UAAP. Isang bagay na hindi katangian ng mga Lasalyano. Hindi ba mas magandang sa hard court natin napapatunayan ang kahusayan ng La Salle sa basketball at hindi sa mga pagdinig sa mga kaso o iba pang procedures? Para sa mga UAAP Admins and game officials Maging patas at laging ipatupad ang mga alintuntunin ng UAAP. Kaya dapat lamang na kung nabigyan ng penalty ang La Salle dahil sa paglabag nito sa alituntunin noong UAAP opening games, dapat ding mabigyan ng penalty ang iba pang mga kuponan na lumabag sa mga alituntunin ng UAAP gaano man ito kaliit o kalaki sa mga susunod na laro. Alam ng lahat na kurakot at halang ang bituka ng mga tao sa gobyerno na nagpapatupad ng ating mga batas. Kung ganito pa rin ang mangyayari sa isang simpleng laro tulad ng basketball at iba pang sports, nakakalungkot makita na kahit sa simpleng laro pa lang ay wala na tayong pinagkaiba sa mga kabulukan sa ating gobyerno.
Posted by Julius on Jul 2, '08 10:31 AM for everyone Una sa lahat, pagbati sa USC 08-09 sa matagumpay na proyektong ito. :D
Tulad ng Freshmen orientation, talagang kailangan nang malagyan ng airconditioning system ang ULS, maganda na talaga ito para sa mga ganitong klase ng programa, pero pamatay-saya talaga ang init sa loob lalo na kung halos mapuno ito ng mga tao.
Nagulat at nalungkot ako sa mga problemang tila nagbuhos ng malamig na tubig sa pagtatanghal ng Frolic. Alam kong nakaranas na kayo ng mga technical problems dati, pero kakaiba talaga ang nangyari kanina. Tsk tsk tsk
Bawi na lang kayo sa susunod, magagaling at malupet pa rin naman kayo. hehehe
Ganoon din sa Dream Ladders La Salle, hahaiz! Mahaba pa naman ang 1st sem, marami pang pagkakataon para ipakita talaga ang inyong mga kakayanan at talento.
Sa Points n Flexes, wala pa rin kayong kupas, asteeg!
Yun lang, muna sa ngayon, sa mga freshmen, nag-enjoy sana kayo at abangan nyo pa ang mga susunod na mga programa sa DLSUD.
Next up, UAAP games na uli. Wohoo!
Posted by Julius on Jun 30, '08 12:31 AM for everyone June 30, 2008 PRESS STATEMENT CEGP slams court ruling on media complaint in Manila Pen siege The College Editors Guild of the Philippines (CEGP) is greatly disappointed with the Makati Regional Trial Court's dismissal of the civil case filed by media persons who covered the Manila Peninsula Hotel siege. The CEGP views the Makati RTC's decision, under Judge Reynaldo Laigo of the Makati RTC Branch 56, as a blatant disrespect and disregard for press freedom which could set a precedent for future coverages. While it is imperative that journalists be given security in times of crisis while they are performing their duties as members of the press, this should not run counter with press freedom and the people's right to information. Furthermore, CEGP questions the court ruling as it justifies the police and law enforcement authorities' overkill actions in sanctioning journalists in the Manila Peninsula incident. Thirty-six (36) media personalities, journalists and camera men, along with some media organizations, filed a civil suit against the police and authorities after the siege. They complained against authorities' manhandling and expressed indignation over being treated like criminals, handcuffed and later on illegally detained for hours at Camp Bagong Diwa in Bicutan. The CEGP also criticizes the court ruling because it, in effect, excuses authorities' abuse of power over unfounded allegations and baseless accusations. Members of the media were accused of colluding with the mutineers. The police, however, were unable to support their accusations and no legal complaints have been filed against any of the media personnel involved. With the Makati RTC ruling, curtailment of press freedom becomes a tangible threat to members of the media, reporters and personnel who are merely performing their duties in the interest of the public. The CEGP expresses its full support for any actions by the complainants to challenge the said ruling. ### Reference: Vijae Alquisola, national president, 09162034402 Sarah Katrina Maramag, deputy secretary-general, 09193486790
Posted by Julius on Jun 23, '08 6:59 AM for everyone Kagabi, halos umaga na ako natulog sa kakahintay ng balita sa mga websayt ng Inquirer, ABS-CBN at iba pang mga media para sa anunsyong walang pasok ang mga nasa kolehiyo ngayong Lunes dahil sa bagyong si Frank.
Pero mga hapon pa lang ng kahapon, madami na ang nagtatanong sa akin sa text kung may pasok ba ngayon o wala. Ang una kong sabi ay elementarya at hayskul pa lang ang walang pasok. Maghintay pa muna ng anunsyo mula sa CHED o sa Admin ng DLSUD dahil may kalayaan silang magsuspende ng klase depende sa kalagayan ng panahon sa lokal nila.
Nasagi sa aking isipan ang DLSU-D sim, at natandaan kong isa sa mga promo gimiks nito ay ang pagging "medium" ng mga anunsyo mula sa DLSUD, tungkol sa mga kaganapan sa pamantasan o mga anunsyo tulad ng walang pasok ba o meron sa tuwing tatamaan ng bagyo ang Kabite.
Ang nakakainis lang, iniwala ng kapatid ko ang aking DLSUD sim, kaya hindi ko nasubukan mismo kung nagpadala nga ng anunsyo ang Admin tungkol dito.
Sa ganitong punto, malalaman sana kung may silbi talaga ang DLSUD sim o wala. Dahil matatandaan nating, bigla na lamang nagkaroon nito at di umano'y kasama na agad sa ating mga bayarin sa skul ang pinambayad sa ating "personalized" SIM mula sa Globe.
Sa mga gumagamit pa ng DLSUD sim nila hanggang ngayon, kamusta naman? nakatanggap nga ba kayo ng anunsyo mula sa admin na walang pasok ngayon?
Nalaman ko lamang sa internet na walang pasok ngayong Lunes, kahit na tirik na uli ang araw at wala nang malakas na hangin at ulan. Nakakatuwa diba? hehehe
Kung sa mga ganitong pagkakataon na inaasahan natin ang DLSUD SIM para sa mga mahahalagang impormasyon, at tila wala ngang dumating, paano pa kaya sa mga susunod na pagkakataon? Sayang naman ang mga pagod at oras nating mga estudyante sa pagkuha ng ating mga SIM card, gayundin ang pagod at hirap ng mga kuya at ate nating mula sa Globe na nag-ayos ng distribusyon nito, at lalo't higit ang perang ginastos para sa mga SIM card.
Sa totoo lang, ginagamit nyo pa ba ang DLSUD sim ninyo?
Posted by Julius on Jun 17, '08 10:29 AM for everyone Nakakapang-init talaga ng dugo tuwing mababalitaan na ang administrasyon ng isang pamantasan ay tahasang lumalabag sa mga karapatan at kalayaan ng mga mag-aaaral. Nakakalungkot isipin na kung sino ang dapat ang katuwang ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto ang siya pa mismong nagiging balakid dito. Kaya, bilang pagsuporta sa laban ng mga Editors at mag-aaral na mamamahayag ng Makati Collegian, ibabahagi ko dito ang buong pahayag ng College Editors Guild of the Philippines ukol sa di umano'y pangingialam ng administrasyon ng University of Makati at panggugulo sa mga Editor nito. ---------------- CEGP condemns adviser-meddling, harassment of Makati Collegian editors The College Editors Guild of the Philippines (CEGP) denounces in strongest terms the adviser-meddling, violation of the Campus Journalism Act of 1991, and the harassment of editors of the Makati Collegian by the University of Makati administration. The issue in the Makati Collegian sprung from the administration's unilateral designation of Dr. Teresa Solero as adviser of the Makati Collegian, in violation of the selection process stipulated in the CJA of 1991. The CJA of 1991 mandates that the incumbent editorial board of the Makati Collegian 'shall make a recommendation of three (3) faculty members, and the administration shall choose a technical adviser from the recommended faculty.' The editorial board, however, was not consulted on the designation. The Makati Collegian rightfully refused to recognize Dr. Solero as adviser and this was when the University of Makati unleashed its attacks on campus press freedom and the democratic rights of Makati Collegian Editor-in-Chief Jeneffere Buenaventura and members of its editorial board Adora Joy V. Borja (Managing Editor) and Dannilyn C. de Castro (Associate Editor). (Attached herewith is the complainants' complete account of the chronology of events.) Last February 2008, the University of Makati, upon the order of Dr. Solero, renovated the publication office, making it impossible for Makati Collegian editors and staff to access the publication office. Not long after, Dr. Solero announced the establishment of the Studium Generale Publication (SGP) as the school's official publication to replace the Makati Collegian and rendering it 'defunct'. What came after were a barrage of unfounded accusations and actions by the University of Makati administration through Dr. Solero: - A sudden investigation of alleged complaints by students with regards to the Makati Collegian's financial statements. Said complaints were never appropriately presented to the editorial board and copies were never furnished to them.
The mere fact that the so-called investigation against Buenaventura et al were merely jointly performed by Dr. Solero and Prof. Joselito Mendoza, the so-called designated Investigating Officer of the Studium Generale Publication, is illegal in itself. Firstly, they have no authority to conduct the investigation under Dr. Solero's position as a mere technical adviser. Secondly, investigations should be a result of complaints filed to the student disciplinary committee, which Dr. Solero failed to produce. Thirdly, the respondents (Buenaventura et al) should be properly informed in writing of the nature and cause of the accusations against them. And lastly, the investigation should be conducted by a duly-constituted student disciplinary committee. Moreover, the Makati Collegian editorial board has also submitted the financial statements for AY 2007-2008, albeit a bit late because of their difficulty to access the publication office. All remaining funds of the publication are still intact and accounted for. - Insistence and forceful demand of Dr. Solero for the turnover of publication funds to her (i.e. the remaining funds for AY 2007-2008). The editorial board refused to turn over funds because the legitimacy of the establishment of the SGP is in question. Furthermore, the refusal to turnover funds is perfectly legitimate since the Makati Collegian is STILL the official publication of the university.
- When the editorial board refused to comply with abovementioned demands, the University of Makati released an order holding the enrolment of Buenaventura. It also allegedly released a memorandum from the Office of the University President stating such an order, but as of press time no such memo had been presented to Buenaventura.
Borja's registration was also cancelled and de Castro's academic credentials were withheld. - Of all these, Dr. Solero failed to furnish Buenaventura and the editorial board with pertinent papers and formal written documents to support her accusations and actions. They were also not given the opportunity to air their side on the matter.
The CEGP condemns Dr. Solero and the University of Makati administration's grave abuse of discretion and authority resulting in the harassment of the Makati Collegian's editors and the eventual closure of the publication. The CEGP also criticizes Dr. Solero and the University of Makati administration for their deliberate and malicious disregard of due process and legitimate procedures. The CEGP demands that Buenaventura et al be allowed to enroll. Regardless of accusations against them, the University of Makati does not hold the right, and in fact has no basis, to hold their registration for the present school year. The CEGP has also already submitted a complaint to the Office of Bayan Muna Rep. Teddy Casino, former CEGP President (1991-1994), requesting for an investigation of the illegal closure of the Makati Collegian, the harassment of its editors, Dr. Solero's violations of the CJA of 1991, and the illegal establishment of the administration-led SGP. The CEGP likewise urges the office of Makati Rep. Abigail Binay to look into the case. The University of Makati is a local government unit-run university. The CEGP expresses its fullest support to Buenaventura and the editorial board of the Makati Collegian in their fight against what could be considered as one of the most blatant attacks on campus press freedom and students' democratic rights. Furthermore, the CEGP scores Dr. Solero for questioning the Guild's concern in this case, accusing its leadership of 'meddling' in behalf of the Makati Collegian editorial board. For the record, the Makati Collegian is a member publication of the CEGP and the Guild willingly extends its support to any members who are under attack. The CEGP has so far documented 297 cases of campus press freedom violations from 53 respondent campus publications last May. Attachment: chronology ng tmc.doc
Posted by Julius on Jun 17, '08 1:00 AM for everyone Gusto nyo bang maging kabahagi ng isang Guinness World Record? Gusto nyo bang maging mas ligtas ang inyong computer habang nag-iinternet? Pwede nyong gawin ito ng sabay, paano? Magdownload ng Firefox 3 ngayon at makasama sa mahigit isang milyong tao na nangakong magda-download din ng Firefox 3 para makamit ang isang Guinness World Record for the most software downloads in a day. Ang pinaka-bagong bersyon ng asteeg na internet web browser ay narito na. Bumisita sa Firefox 3 Download day at maging bahagi ng isang world record. Wag magalala, libreng software ang Firefox 3, ligtas pa ang computer nyo mula sa hackers, viruses at worms.
Posted by Julius on Jun 16, '08 8:58 PM for everyone Matagal-tagal ko nang gustong magsulat tungkol sa kasalukuyang krisis sa bigas at pagkain na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Pero hihiramin ko na lang muna ang mga puntos sa editoryal ng Philippine Daily Inquirer ngayon; “Another Green Revolution” kung saan minumungkahi na sundin ang mga payo at rekomendasyon na inihain sa kakatapos lamang na Asian-European Editors Forum sa Bangkok, Thailand. 1. Increasing productivity in rain-fed rice, which could reduce poverty and increase global food supplies. 2. Providing adequate water control by setting up intensive, productive irrigated systems. 3. Developing the means for farmers to adopt and use existing technologies that are known to raise yields. 4. Developing rice varieties that can cope with climate change. Macintosh said that an increase in temperature of 1 degree Celsius causes a 10 percent drop in yield. He said problems that are bad now and will worsen with climate change are droughts, flooding and salinity. 5. Solving the problem of “too much water,” including recurrent flooding, because rice “drowns” in an excess of water. 6. Intensifying research for environmentally and socially adapted plants, including hybrid plant breeding and genetic engineering. 7. Making agriculture a political priority and increasing investments in rural infrastructure and market development. Ipinaalala ng editoryal na noong Luntiang Rebolusyon o Green Revolution noong 1960s hanggang 1970s ang dahilan kung bakit nakamit ng Pilipinas ang pagiging “self-sustaining” o nakaka-asa sa sariling estado pagdating sa suplay ng bigas, ang pinakamahalagang panananim sa Timog-Silangang Asya. Tulad ng sabi ng editoryal, kung nagawa natin noon, magagawa uli natin ngayon lalo na’t may mga modernong teknolohiya at kagamitan na pwedeng gamitin natin ngayon. Ang mga dole-outs ng gobyernog Arroyo ngayon ay pansamantalang lunas lamang sa krisis ng bigas ngayon, at dahil lalong lulubha ang krisis na ito sa darating na mga panahon, lalo na sa panahon ngayon ng climate change, napakahalagang bigyan ng malaking pansin ang pagsasaayos at pagpapalago ng ating agrikultura. Bukod sa mga magagandang puntos ng editoryal tungkol sa kung ano ang magandang gawin sa ating agrikultura, tulad ng mas mas malaking atensyon mula sa gobyerno, pamumuhunan o investments, at pagbabalik-loob sa ating kultura ng pagsasaka, kailangang tandaan na susi sa matagumpay na paglago at pagunlad ng ating agrikultura ang tunay na repormang agraryo. Huwag din magpadala sa pinapausong biofuels dahil kapag sumobra ang atensyon at pamumuhuhan para dito, baka wala nang lupang matamnan ng palay tayong mga Pilipino. Makakatipid nga tayo sa inaangkat na langis, mananatili tayong nakatali sa presyo ng bigas na ating inaangkat habang patuloy na magugutom ang ating mga kababayan. Hindi masama ang industriyalisasyon, pero tandaan natin na sa buong kasaysayan ng tao, ang lahat ng mga mauunlad at industriyalisadong bansa ngayon ay dumaan muna sa mayabong at maunlad na estado ng agrikultura, dahil dito kumukuha ng inputs ang mga industriya, samantalang dito kumukuha ng kapital ang mga yumamang magsasaka na naging negosyante na siya namang nagpatakbo ng industriyalisasyon ng isang bansa.
Posted by Julius on Jun 14, '08 11:02 PM for everyone An award-winning ad by DUREX condom (USA):
"To all those who use our competitors' products...
HAPPY FATHER'S DAY!"
wapak! hahaha
Posted by Julius on Jun 13, '08 8:08 PM for everyone Aaminin ko na mahilig ako sa mga sports cars, pangarap ko ang makabili ng isang Ferrari F430, pero dahil ubod ng mahal ang kotseng ito at madaming lubak at humps sa kalsada ng Pilipinas, hanggang pangarap na lang siguro ito. :P Pero nananatiling buhay ang pagkahilig ko sa mga magagarang sasakyan, bumibili ako ng mga magazines noon, madami din ang akong laro sa PC na tungkol sa mga kotse at karera tulad ng Formula 1, Need for Speed at GTA. Bumili pa nga ako ng isang MOMO Racing Wheel na gawa ng Logitech para kahit man lang sa mga computer games ay nararanasan ko ang pakiramdam ng magmaneho at makiapg unahan kasama ang mga kampyon na sina Michael Schumacher at Mikka Hakkinen. Hindi lang sa pangarap bagkos ganoon din sa mga realidad ko, sa uri ng aking mga gawain sa loob at labas ng DLSUD, kung saan-saan ako nakakarating. Tuwing maiimbitahan ako na maging ispiker o tagapagsanay sa mga palihan o training workshops, mga conventions, mga seminars at simpleng paglilibang, madaming nagsasabi na kailangan ko ng sariling sasakyan para maging maalwan para sa aking sarili. Pero hindi, mas gusto ko, mas sanay ako na magbyahe sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan. Mas tipid ngayon kaysa sa pagmamaneho ng sariling sasakyan dahil sa ubod ng mahal ng gasolina at krudo. Mas magaan sa pakiramdam dahil pwede akong matulog, magtext at makinig ng tugtugin habang nasa byahe nang walang pag-aalinlangan dahil hindi naman ako ang nagmamaneho. Pero ang isa sa mga malaking dahilan kung bakit kuntento ako sa pagiging byahero at hindi nagmamaneho ay dahil sa isa sa aking mga adbokasiya ang pangangalaga sa kalikasan. Sa panahon natin ngayon na lumala ang sitwasyon dahilan sa global warming, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya, sa personal na kapasidad, upang makabawas sa poluyson. Aminin natin na tayong mga tao lamang ang nakakalikha ng polusyon kaya sa atin lamang pwedeng isisi ang pagkasira ng kalikasan. Nakakita ka na ba ng mga hayop na gumawa ng pabrika para makakuha ng pagkain nila? Mabalik ako, ano ang koneksyon ng pangangalaga ko sa kalikasan at pagiging kontento sa pagiging byahero imbis na bumili ng sariling sasakyan? Narito ang sagot: The important sources of atmospheric pollution on a global or regional scale are: - Automobiles. According to the U.S. Environmental Protection Agency (EPA), driving a car is the single most polluting thing that most of us do. Motor vehicles emit millions of tons of pollutants into the air each year. In many urban areas, motor vehicles are the single largest contributor to ground-level ozone, a major component of smog.
The primary pollutants produced by automobiles are: - Hydrocarbons. They come from the evaporation of fuel, especially on hot days, leaking fluids, and during refueling at gas stations.
- Nitrogen oxides. Produced by high heat during the burning of fuel.
- Carbon monoxide. Produced by the incomplete burning of fuel.
Modern automobiles pollute much less than older models thanks to emission controls including catalytic converters. But the number of cars is so large, and they are driven so much, they are still major sources of pollution. (source)
Kitams? Malaking kasalanan para kay Inang Kalikasan ang paggamit ng sariling sasakyan ngayon. Pero dahil hindi maiwasan, minumungkahi ko na mag carpool o magsama-sama sa isang sasakyan kung meron ang isa sa mga kasama nyo. May polusyon pa rin dahil sa sasakyan pero nabawasan dahil isang sasakyan lang ang dala niyo, sa halip na tag-iisa kayong lahat na magkakabarkada o grupo. Sa bayan nga ng Silang kung saan ako lumaki, umuso ang mga scooter o motor na pambinata. Gumagastos sila ng malaki para maging "maporma" ang kanilang motor. May mga ilaw, malakas na soundsystem, magara ang pintura, pero ang resulta ay ingay at polusyon. Sagabal pa nga sa mga prusisyon at parada dahil nakakainis na usok at ingay lamang ang kanilang nalilikha. Ubod pa ng yabang ang karamihan sa mga ito, nagkaroon lamang ng motor ay akala mo kung sinong may mahalagang ginagawa sa lipunan, tambay lang naman pala ang iba. (Pasintabi po) Ganoon din sa mga kotse o sasakyan na apat ang gulong. Totoong maporma at magarang tingnan, pero sa bandang huli, ano ang epekto nito sa ating kapaligiran? Sa ating mga kapwa tao at ibang nilalang? Kaya kung mapapansin nyo, noong eleksyon sa DLSUD, hindi kami kumukuha ng mga sasakyan at nagmomotorcade. Bukod sa wala kaming pondo para sa gasolina, Ingay at polusyon lamang naman ang nililikha nito, dagdag dito, nagiging mayabang kami sa mata ng mga nakararaming estudyante na ang iniisip ay nang-iinggit lamang kami sa tuwing may sasakyan kami. Tapos hiram lang pala ang mga sasakyan, kaya sino ang niloko namin? (Muli, pasintabi) Ngayon, kung ang isang sasakyan at pagmamaneho nito ay isa sa mga pinaka-malakas sa polusyon, ano pa kaya kung magsama-sama ang mga ito sa isang car show o convention? Sa tingin ng mga may malasakit sa kalikasan ito ay convention ng mga air polluters.
Posted by Julius on Jun 12, '08 7:41 PM for everyone Simple at maiski lang, Friday the 13th ngayon. Waaa
Sabi ng karamihan ay malas daw ang araw na ito.
Naniniwala ba kayo doon? May ginagawa ba kayong mga pangontra malas tuwing Friday the 13th? O minalas na kayo sa mga nakalipas na Friday the 13th?
Kwento naman,hehehe
Posted by Julius on Jun 11, '08 9:45 AM for everyone Simula na ng unang semestre at sa aking obserbasyon kanina, mabenta ang Jeep Ikot La Salle dahil sa tuwing makikita ko ito, puno o halos puno ng mga pasahero. 5 pesos lang ang pamasahe at pwede mo nang libutin ang buong La Salle Dasma. At tandaan natin na sa bawat sakay nyo sa Jeep Ikot La Salle, nakakatulong kayo sa mga DLSUD Scholars dahil bahagi ng kita ng Jeep ay napupunta sa scholarship funds. Asteeg diba? Nakatulong na sa mga estudyante, nakapagpa-aral pa ng mga scholars. Yan ang tunay na serbisyo sa mga estudyante. wohoo! Narito uli ang ruta o dinadaanan ng Jeep La Salle Ikot: Magsisimula ang byahe mula sa parking area malapit sa Ayuntamiento construction site at ito ang ruta o madadaanan papunta ng West Campus: - PCH Building
- SBC Canteen
- Lake Avenue
- Dormitories/Square Canteen
- FA/POLCA Offices
- Acacia Avenue
- Oval track
- Ugnayang La Salle (GYM)
- Gate III
Pabalik naman sa East Campus:- Ugnayang La Salle
- Oval Track
- CBA Building
- Administration/CEAT Building
- VBH Building
- Alumni Building
- Hotel Rafael
- SWAFO/Porterio de San Benildo
- Gate I
- Ayuntamiento
Maraming salamat sa POLCA, sa USC 2007-2008 at sa inyong mga kapwa namin estudyante na sumasakay at sasakay sa Jeep La Salle Ikot! :D
Posted by Julius on Jun 6, '08 8:07 AM for everyone Kabadao ako ngayong gabi, dahil una; baka mahuli ako sa usapang 7 ng umaga sa Philcoa Q.C. para sunduin kami ng sasakyan papunta sa Pampanga dahil manggagaling pa ako sa Cavite. Waa! Pangalawa, hindi ko pa napag-iisipan ng todo ang sasabihin ko sa aking pananalita sa programa, ang aking paksa ay "Blogging for Good Governance" good luck talaga sa akin, sa buong Bloggers Kapihan Crew at kay Among Ed na magiging blogger na bukas. wohoo! Ano uli? Bukas, ika-7 ng Hunyo, nasa kapitolyo kami ng Pampanga para pormal na ilunsad ang blog ni Gov Ed Panlilio. dahil naniniwala kami na sa pamamagitan ng blogging, ay mas madaming tao ang mararating ng kanyang mga mensahe tungkol sa pagiging mabuting Kristiyano, lingkod bayan at mamamayan. Kilala nyo naman siguro si Among Ed Panlilio diba? Sya yung pari na tumakbo para sa pagka-Gobernador ng Pampanag, kontra sa mga trapo na matagal nang nanunungkulan sa probinsyang iyon. Pagbabago sa pamamahala at panunungkulan ang hatid ni Among Ed, kaya naman kaliwa't kanan ang mga batikos sa kanya ng mga tutol sa magandang pagbabago sa Pampanga. Alam kong sabog at hilaw ang mga ideya sa sulating ito, pero bukas, live blogging kami mula sa kapitolyo ng Pampanga. Sundan nyo ang live-blogging o minu-minutong pagblog ko sa Sumilang, sa aking Twitter account at sa aking YM id (jhaykage). Kita-kits bukas!
Posted by Julius on Jun 4, '08 10:49 AM for everyone Mag-iisang linggo pa lang na onlayn ang blog ni NBN-ZTE scandal witness Jun Lozada pero mahigit 700 comments na sa kanyang 6 na posts ang inyong makikita. Ang blog na ito ay inilunsad namin ng Bloggers' Kapihan upang magkaroon ng malaya at ligtas na paraan si Jun Lozada na ipahayag ang mga bagay tungkol sa NBN-ZTE scandal, ang mga ideya, pag-aaral at mungkahing solusyon nya para sa mga suliraning kinahaharap ng ating bansa. Dito ay malaya ding sasagutin ni Jun Lozada ang mga kritisismo at pambabatikos sa kanya. Pero shempre, yung mga nasa tamang lengwahe at objektibong kritisismo lamang dahil, bilang isang tao, may karapatan at dignidad pa rin sya. Kung gusto nyong makilala kahit paano si Jun Lozada, ang kanyang mensahe, mga pangarap at karanasan, o kaya ay makipagdayalogo sa kanya, bumisita lamang sa kanyang blog: http://jlozada.com
Posted by Julius on Jun 1, '08 10:53 PM for everyone Noong Sabado, pumunta ang pakuldad ng LCDC kasama kaming walo na SERVE volunteers para sa aming year-end activity sa Olongapo City at Subic. Una kaming bumisita sa PREDA o People's Recovery, Empowerment Development Assistance Foundation kung saan nakita namin ang kanilang programa para sa pangangalaga at pagtatanggol sa mga kabataang nagkakaroon ng suliranin sa batas o children in conflict with the law. Sila yung mga menor de edad na dahil sa kahirapan, pangaabuso at pagmamanipula sa kanila ay napupwersang gumawa ng krimen tulad ng pagnanakaw atbp. Nangunguna ang PREDA foundation sa pa pangangalaga at pagtatanggol sa mga kabataang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal aid, rehabilitation, guidance at values formation at iba pang mga paraan na makakatulong sa mga kabataan na mabago ang kanilang buhay at iahon ang kanilang sarili mula sa kanilang karima-rimarim na kalagayan. Matapos bumisita at makipag-bahaginan sa mga kabataan at social workers sa PREDA, tumungo kami sa Dayrit's Restaurant para sa aming tanghalian. Maganda ang aking unang impresyon sa lugar. Kahit maainit ay ayos naman ang "ambiance" ng lugar. Nakalagay sa kanilang menu book na ang Dayrit's ay "slow food" restaurant dahil ang pagkain ay saka lang lulutuin pagkatapos piliin ng customer. Sa aking karanasan sa mga "slow food" restuarants, mga 15-30 minuto ang itatagal ng pagdating ng iyong order, depende sa kung ano ito. Para mas simple at mapabilis ang aming pagkain, yung mga simpleng pagkain na lang ang aming pinili. Sa akin, yung kanilang "oriental chicken" ang aking pinili. Gutum na gutom na kami noon kaya nagtyaga kaming maghintay sa aming mga pagkain. Isa-isang nagdatingan ang aming mga pagkain, matapos ang 15 minuto matapos kunin ang aming mga orders. Dahil gusto naming sabay-sabay kumain, naghintay kaming makumpleto ang mga orders namin. Pero doon nagkaroon ng problema. 20 minutos na ay hindi pa dumadating ang aking pagkain. Samantalang ang iba naming kasamahan ay kumakain na. Masarap naman ang ibang ulam tulad nung Chopsuey, Fish fillet at yung bulalo. Pero ang oriental chicken namin ng kapwa ko SERVE volunteer ay hindi pa dumarating. Lumapit ang isa sa waitress ng Dayrit's at tinanong kung may kulang pa sa aming mga order, sinabi namin na kulang pa nga ng 2 oriental chicken. 30 minutos na ang nakalipas, wala pa rin ang tinamaan ng magaling na oriental chicken na iyon. Ang nakakainis pa, sa pangalawang paglapit ng waitress, tinanong kami kung ano ang order namin. Dahil hindi namin saulado ang aming mga inorder, sinabi namin na tingnan yung inilista ng kasama niyang waitress kanina. Akalain ba naman na sinabi ng waitress na hindi siya ang naglista ng order namin kanina. Sinabi ko naman na hindi namin tinatanong kung sino ang naglista ng order, ang gusto namin gawin nyo, hanapin ang listahan kanina at doon tingnan kung ano ang inorder namin at hindi yung pagtanong sa amin na parang ngayon lang kami oorder o kaya naman ay walang tinta ang bolpen ng waitress kanina, naiwala nya ang listahan o hindi niya talaga inilista ang aming mga order. Sino ang hindi maiinis sa ganoon? Lalo na kung kumakalam na ang sikmura mo sa kagutuman. Matapos ang 45 minutos saka lang dumating ang aking oriental chicken. Na sa totoo lang ay wala halos pinagkaiba sa lutong manok na mabibili mo sa Andok's. Mas masarap at mas malasa pa nga ang luto ng aking ina. Sa uri ng presentasyon ng pagkain at serbisyo sa mga customer, hindi ko irerekomenda ang Dayrit's sakaling may magtanong sa akin na kung saan masarap kumain.
Posted by Julius on May 29, '08 9:53 AM for everyone VACATION IS OVER! FULL STRENGTH ANEW FOR YOUTH POWER! YOUTH ACT NOW! (Youth for Accountability and Truth Now!)
invites you to its
National Youth Assembly May 30, 1:00-6:00pm College of Education Auditorium University of the Philippines-Diliman
Youth and students from different schools, universities and communities in Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, Batangas, Central Luzon, Bicol, Panay, Davao, Iloilo, Negros, Ilocos Regions, Tacloban and Cordillera Regions will gather together tomorrow, May 30, 2008, to renew and pledge their commitment in the fight for truth, accountability and social change. Guest speakers are Rodolfo 'Jun' Lozada, Joey de Venecia and Bro. Eddie Villanueva.
Fireworks display at the end of the program will symbolize the 'start of the school year with a bang.'
Posted by Julius on May 28, '08 7:56 AM for everyone Ayon sa mga huling nagbahagi sa akin ng kanilang mga saloobin tungkol sa nakakalungkot na pangyayari sa scholarship ng USC ngayon, hindi ko maiwasang malungkot din at pilit kong iniiwasan ang mag-isip ng masama sa mga bagong USC officers. Sa kasalukuyan, mayroong 20(?) iskolar ang USC ngayon, mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Ngunit hindi ata naging usap-usapan ang pagtaas ng bilang ng mga iskolar. Ang mas napag-uusapan ay ang mga iskolar, magulang at mga ilang administrador na nababahala at nababagabag dahil kahit nadagdagan ang bilang ng mga iskolar, nabawasan naman ang mga tunay na matutulungan nito. Sa 17 iskolar ng nakalipas na USC, mas madami ang bilang (percentage) ng mga may "full scholarship" kumpara sa ngayon, iisa o dalawa lang daw ang nabigyan ng "full scholarship" kaya, lubhang nakakalungkot, marami-rami sa mga nakaraang iskolar ang hindi makakapag-aral ngayong pasukan, kahit na 50% ang scholarship nila. Sa lalong pagtaas ng mga bilihin, langis, matrikula at iba pa ngayong kasalukuyan, higit na kinakailangan ng mga kapos-palad nating kapwa Lasalyano ang lahat ng tulong upang ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral. Ang pagiging iskoloar ang isa sa kanilang mga malubhang inaasahan. Ginawa ang mga mapayapa at tamang proseso para subukang umapila sa kasalikuyang USC na sana'y mabago ang kanilang desisyon at madagdagan ang matatanggap ng mga iskolar. Ngunit, matapos ang mga pag-uusap at pakikipagdayalogo, desedido na raw ang bagong USC na kung ano ang kanilang napagdesisyunan ay yun na talaga. Totoo na may kalayaan at karapatan ang USC na pagdesisyunan ang pagbibigay ng mga scholarships. Totoo rin na may kalayaan at karapatan silang itakda ang panuntunan at proseso sa kung sino ang mabibigyan ng scholarships. Pero hindi ibig sabihin nito ay bahala na sila sa kung ano man ang kanilang mapagdesisyunan. Bilang mga lider-estudyante, higit na inaasahan na ang kanilang mga desisyon ay para makapaglingkod sa interes at kapakanan ng mga estudyante at alinsunod sa mga dakilang aral ni San Juan Buatista De La Salle. Aking napagalaman na isa sa mga dahilan kung bakit di umano'y ayaw nilang pagbigyan na magkaroon ng adjustment o dagdag sa matatanggap ng ibang iskolar ay "kapag nag-adjust sa isa, kailangang mag-adjust sa lahat." Sa unang tingin ay tama at patas ang ganoong pangangatwiran hindi ba? Pero kung susuriin ay may kamailan. Ang mga bihasa o nag-aral ng Logic ay sasang-ayon sa akin sa ganitong pagaanalisa at paggiba sa ganitong argumento. "kapag nag-adjust sa isa, kailangang mag-adjust sa lahat." Hindi ba't sa unang tingin pa lang ay may fallacy na sa argumentong ito? Ang fallacy na ito ay ang fallacy of generalization, o pagtingin na pare-pareho lamang ang lahat kahit na sadyang magkakaiba ang mga ito. Kahit na pare-parehong matindi ang pangangailangan ng mga iskolars ay magkakaiba pa rin ang kanilang indibidwal na kalagayan at pinanggagalingang sitwasyon, circumstances ika nga. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nilang magpasa ng mga dokumento at papeles na magsasalarawan at magpapatunay sa kung gaanong kalubha ang kanilang pangangailangan at kaya isa-isa silang nakakapanayam sa screening interviews. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila pare-pareho ng mga antas o pursyentong natatanggap para sa scholarship. Kaya hindi pwede na sabihing dahil binawasan ang kay A, ay babawasan din ang matatanggap ni B, C at haggang kay Z dahil magkakaiba sila ng pangangailangan. Sana ay maunawaan natin itong lahat. Tandaan natin na sila ay nahalal upang paglingkuran ang interes ng mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng scholarship ay isa sa mga pinakadakila at malaking obligasyon nila dahil sa bandang huli, ang perang nakapaloob sa kanilang pondo o badyet ay nanggaling din sa ating mga mag-aaral ng DLSUD. Samakatuwid, higit ang ating karaptan sa perang iyon. Huwag din sana kalimutan ang pangarap ng De La Salle Philippines na maging katotohanan ang One La Salle Scholarship kung saan 20% ng buong populasyon ng mga estudyante sa mga La Salle schools ay mga iskolar pagdating ng 2011. Sa nangyayari ngayon, tila hindi makakapagambag ang ating mga lider-estudyante sa pangarap na ito. Isa pang bagay na mapupulot natin dito ay makita ang prayoridad o mga mahahalagang bagay sa isang pamunuan, na siyang makikita natin sa kung paano ginagamit o saan inilalaan ng Konseho ang badyet o pera ng mga estudyante. Kung mas malaki ang bahagi ng badyet para sa serbisyong estudyante tulad ng scholarships, student loans at sponsorship sa mga student orgs, (mga basic student needs) masasabi natin na "student-service oriented" ang Konseho. Pero kung napupunta sa mga ibang gawain at proyekto na makakapagpasaya sa estudyante (student wants) masasabi natin na "student-entertainment oriented" ang ating konseho. Pero, malaki ang aking pag-asa na ang nauna at hindi ang huling uri ng panunugkulan ang dala-dala ng mga lider-estudyante natin ngayon. At para maging patas naman, nag-uumpisa pa lang ang bagong pang-akademikong taon.
Kapayapaan at katarungan! :D
Posted by Julius on May 25, '08 10:32 PM for everyone Mula sa isang email ng isang kaibigan:
1. An Eat Bulaga contestant was asked by Joey and Vic: Ano sa Tagalog ang grasshopper? Contestant: hmm. . . Huling Hapunan?
2. It was an ex-PBB housemate (1st batch) who said this: Big Brother, ginagawa po nila ako laughing stuff
3. In Wowowee, the question was: Kung ang sigaw ay shout sa Inggles, ano naman sa Tagalog ang whisper The contestant answered: Napkin
4. While watchng the news yesterday about a kid killed by a bulldozer, our maid commented: Kaya ayoko mag-alaga ng aso eh
5. My friend and I were walking up the stairs of our schools new bldg. She said out of nowhere: Imagine mo kung di ginawa tong bldg, umaakyat tayo sa hangin?
6. My cousin at a DRIVE-THRU: Miss, puwedeng take out?
7. Nadia Montenegro promoting her movie: Please watch The Life Story of Julie Vega, opening na po on the twenty-twoth of November.
8. In a burger joint I heard a man say: Miss, isa ngang amusing aloha at saka kidney meal. Server: Dine in po ba or to go? The man answered: Ayoko ng sago!
9. I was making cookies at home when I ran out of cookie sheets, so I called our maid and said: Manang bili ka nga ng cookie sheet. And she replied: Ano po, solo o litro? (coke is it)
10. My friend said: ¡ÈAng galing ¡Æno, yung Ash Wednesday last year, Miyerkules din pumatak!
11. A non-Christian vendor selling a Last Supper painting, Maam bili po kayo ng frame, maganda po ito, Hesus and Company.
12. While watching Apollo 13, after she heard the line: Houston, we have a problem. My ex-girlfriend asked: Sino si Houston?
13. My aunt was going to the US for the 1st time. She told us: Nagpapabili ang tita niyo ng autistic guitar. Saan ba nakakabili nun?
14. We were marketing for an org event, when one of my orgmates wanted to clear the definition of the types of sponsors (Major, Minor, Patron, etc.) So she asked her grandma: Lola, anong mas mataas sa Patron?Her lola replied: Patron? Eh di Shell!
15. Also in a gameshow. Host: Ano sa Tagalog ang teeth Contestant: Utong!
16. I once heard an emcee say: Lets give her a warm of applause!
17. One classmate in highschool said, Ang cute naman ng sintas mo, luminou! I corrected him and said, luminous! Then he replied, Oo nga pala, plural!
18. Barker ng bus: Ah Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao!!! Pasahero: Boss, Cubao?
19. Sa isang gameshow, tinanong ng host: Anong P ang Tagalog ng storey o floor ng building? Contestant: PIP PLOR!
20. An officemate of ours told us a story about driving alone in her car: Alam niyo, pag nag-iisa ako, feeling ko wala akong kasama
21. I had a customer on the line who had a password on his account. I asked for the password but he forgot. I gave him a clue: Its a 4-digit number. He answered, Uhm ROCKY
22. I overheard a lady place an order at Starbucks: One cup of chino please.
23. Eve - An officemate once asked: Saan sa Quezon City ang Mandaluyong?
Posted by Julius on May 17, '08 10:54 PM for everyone Bukas, magbabalik ako sa LS Radio para naman makipag-kwentuhan tungkol sa JPEPA o Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA). Isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Hapon kung saan magkakaroon ng kakaibang pakikitungo ang dalawang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan o trade.
Kakaiba dahil may mga espesyal na kasunduan na eksklusibo lamang sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Nariyan yung di-umano'y pagpasok ng mga toxic wastes ng Japan kapalit ng ilang bagay mula sa Pilipinas tulad ng lakas paggawa sa anyo ng mga nurses at caregivers na papapasukin sa Japan para magtrabaho.
Maraming tutol sa JPEPA, sinasabing lugi ang Pilipinas sa kasunduang ito. Pero sabi naman ng kabilang panig, maganda ang kasunduang ito dahil malinaw na indikasyo ito na ang Japan ay may magandang pagtingin sa Pilipinas kaya pumasok ito sa ganitong klase ng kasunduan.
Totoo nga ba ang lahat ng ito? Totoo nga bang makikinabang ng patas ang Pilipinas sa JPEPA? O tulad ng mga nakaraang kasunduan sa mga banyaga, lugi at magiging kawawa na naman tayong mga Pilipino.
Kung interesado kayo sa usaping ito at nasa campus kayo bukas, tumambay sa mga kubo sa tapag ng JFH at makinig sa LS Radio ng 9:30 ng umaga.
Posted by Julius on May 17, '08 9:23 AM for everyone ARTS AND MULTI-MEDIA WORKSHOP SERIESUniversity of the Philippines, Vargas Museum Sponsored by YOUTH ACT NOW!May 17, 1:00-5:00pm Basic DrawingLecture-workshop on the fundamentals of editorial cartooning. It starts with basic techniques followed by exercises on conceptualization. Class offers a survey on the history of the cartoons as a protest form. Instructor: Prof. Neil Doloricon, Former Dean, College of Fine Arts, UP Diliman May 24, 1:00-5:00pm Creative WritingIntroductory workshop on poetry writing in English and/or Filipino. It encompasses formal and informal writing techniques. Instructor: Prof. Gelacio Guillermo, Art Critic and Lecturer on Emergent Literature Richard Gappi, Chairperson, Neo-Angono Arts Collective May 31, 1:00-5:00pm Improvisational TheaterA fun-filled introduction to theater using body improvisations, voice projection, listening skills, confidence and imagination. It involves exercises on breathing and relaxation, exploration of the performance space, creative movements and facial expressions. Facilitator: Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA) Instructor: Fernando “Tata Nanding” Josef, retired CCP Board of Director/Film Director Carlito Sigueon Reyna Culinary Arts Workshop - An introductory course in cooking and food presentation. Professional chefs are invited to give a lecture. June 7, 1:00-5:00pm New Media and Journalism 101Will tackle the ethics and principles of responsible blogging. Forum will be co-sponsored by Bloggers’ Kapihan. Speaker: Ms. Ellen Tordesillas, columnist for Malaya and renowned blogger June 17, 1:00-5:00pm Leadership/Speakers TrainingAn introductory course for youth and student leaders, student council members, debaters and public speakers.Facilitator: National Union of Students of the Philippines 6pm onwards - Commencement and Closing Program Admission is Free!For registration, please contact Ipay, 09293614592 or email youth.act.now@gmail.com
Posted by Julius on May 16, '08 3:53 AM for everyone Ngayong malapit na ang pasukan, handang-handa na ang jeep-ikot. At para maging gabay sa mga kapwa natin estudyante, narito ang mga impormasyon tungkol sa operasyon ng Jeep-ikot. Ang coupon ay Php5.00 ang isa. Mabibili ito sa POLCA Office Monday-Friday during office hours. Magsisimula ang byahe sa June 2, 2008Oras ng operasyon: 6:30am to 6:30pm Monday to FridayMagsisimula ang byahe mula sa parking area malapit sa Ayuntamiento construction site at ito ang ruta o madadaanan papunta ng West Campus: - PCH Building
- SBC Canteen
- Lake Avenue
- Dormitories/Square Canteen
- FA/POLCA Offices
- Acacia Avenue
- Oval track
- Ugnayang La Salle (GYM)
- Gate III
Pabalik naman sa East Campus:- Ugnayang La Salle
- Oval Track
- CBA Building
- Administration/CEAT Building
- VBH Building
- Alumni Building
- Hotel Rafael
- SWAFO/Porterio de San Benildo
- Gate I
- Ayuntamiento
Tangkilikin natin ang proyektong ito dahil ang malaking bahagi ng kikitain ng Jeep-Ikot ay mapupunta sa One La Salle Scholarship fund. Nakatulong ka na sa mga scholars, naging mabilis pa ang pag-libot mo sa campus. :D
| |