Posted by Julius on Jun 23, '08 6:59 AM for everyone
Kagabi, halos umaga na ako natulog sa kakahintay ng balita sa mga websayt ng Inquirer, ABS-CBN at iba pang mga media  para sa anunsyong walang pasok ang mga nasa kolehiyo ngayong Lunes dahil sa bagyong si Frank.

Pero mga hapon pa lang ng kahapon, madami na ang nagtatanong sa akin sa text kung may pasok ba ngayon o wala. Ang una kong sabi ay elementarya at hayskul pa lang ang walang pasok. Maghintay pa muna ng anunsyo mula sa CHED o sa Admin ng DLSUD dahil may kalayaan silang magsuspende ng klase depende sa kalagayan ng panahon sa lokal nila.

Nasagi sa aking isipan ang DLSU-D sim, at natandaan kong isa sa mga promo gimiks nito ay ang pagging "medium" ng mga anunsyo mula sa DLSUD, tungkol sa mga kaganapan sa pamantasan o mga anunsyo tulad ng walang pasok ba o meron sa tuwing tatamaan ng bagyo ang Kabite.

Ang nakakainis lang, iniwala ng kapatid ko ang aking DLSUD sim, kaya hindi ko nasubukan mismo kung nagpadala nga ng anunsyo ang Admin tungkol dito.

Sa ganitong punto, malalaman sana kung may silbi talaga ang DLSUD sim o wala. Dahil matatandaan nating, bigla na lamang nagkaroon nito at di umano'y kasama na agad sa ating mga bayarin sa skul ang pinambayad sa ating "personalized" SIM mula sa Globe.

Sa mga gumagamit pa ng DLSUD sim nila hanggang ngayon, kamusta naman? nakatanggap nga ba kayo ng anunsyo mula sa admin na walang pasok ngayon?

Nalaman ko lamang sa internet na walang pasok ngayong Lunes, kahit na tirik na uli ang araw at wala nang malakas na hangin at ulan. Nakakatuwa diba? hehehe

Kung sa mga ganitong pagkakataon na inaasahan natin ang DLSUD SIM para sa mga mahahalagang impormasyon, at tila wala ngang dumating, paano pa kaya sa mga susunod na pagkakataon? Sayang naman ang mga pagod at oras nating mga estudyante sa pagkuha ng ating mga SIM card, gayundin ang pagod at hirap ng mga kuya at ate nating mula sa Globe na nag-ayos ng distribusyon nito, at lalo't higit ang perang ginastos para sa mga SIM card.

Sa totoo lang, ginagamit nyo pa ba ang DLSUD sim ninyo?

Comment deleted at the request of the thread owner.
juanberde wrote on Jun 23
yung akin wala na....wahehehehe
ni hindi ko man lang nagamit...
pero...may mga naririnig ako na hindi raw gumagana yung ibang features nito...
HiTech!wahehehehehe
leglam wrote on Jun 24
hindi ko ginagamit y0ng sim!haha.c=
parang binigay lang siya for the sake na may matawag na dlsu-d sim,pero ung totoong silbi nong sim ay nawawala.hindi man lng cla ngpopost ng announcements, advisory atbp.kaya kaysa gamitin mo,eh don ka na lng sa dting sim na gamit mo.haha.c=
andreaagahan wrote on Jun 24
late naman cla kung mgannounce ng wlang pasok. dumating yung announcement, lunes (june23), 7:51am... haayzz...sana, a day before...
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help