Yep, isa sa ako sa mga piling nabigyan ng uMobile sim card mula sa uMobile, ang pinakabagong mobile telco provider sa Pilipinas. Sila ay pag-aari ng Smart Communications, Inc.
Ano ang bago sa uMobile? simple lang, sila ang nagbibigay ng load sa iyo. :D
Yep, magpapadala sila ng ads sa iyong mobile phone, at kada ads na tatanggapin mo, bibigyan ka nila ng libreng load. Astig diba? hehehe
Meron pa silang promo na free Php100.00 kada buwan sa unang 6 na buwan na paggamit mo ng uMobile.
At ang mas asteeg dito, malupet ang iyong mobile number, nagsisimula ito sa:
0999-xxx-xxxx. Pwedeng ikaw pa ang mamili ng sarili mong numero. :D
Para sa dagdag impormasyon, bumisita sa
http://www.umobile.com.ph/home