Noong Miyerkules, ika-25 ng Hunyo, kasama ang dalawa kong kapwa SERVE Volunteers, nakapulot ako ng isang pitaka sa ibaba ng Batibot, makalampas ng Square Canteen papuntang West Campus.
Isa itong kulay asul at puti na yari sa binurdang tela at may asul na butones.
Malaki ang halaga ng perang papel na laman nito at nakatupi ng higit sa 4 na beses.
Kung sino man ang nagmamay-ari nito, pumunta lamang sa Students' Welfare and Formation Office para ma-beripika na sa iyo nga at mabawi mo na ang iyong nawawalang pitaka at pera.
Sa susunod, mag-iingat kapatid. Baka sa susunod, hindi na sundin ng makakapulot ang kanilang mabuting loob at gastusin lamang ang iyong nawalang pera. :D
DSC01814.JPG
DSC01815.JPG
|