Julius' posts with tag: blogging
Posted by Julius on Jun 11, '08 10:53 AM for everyone |  | Bloggers Kapihan and friends spearhead the launch of Pampanga Gov Among Ed Panlilio at San Fernando, Pampanga. |
Posted by Julius on Jun 6, '08 8:07 AM for everyone Kabadao ako ngayong gabi, dahil una; baka mahuli ako sa usapang 7 ng umaga sa Philcoa Q.C. para sunduin kami ng sasakyan papunta sa Pampanga dahil manggagaling pa ako sa Cavite. Waa! Pangalawa, hindi ko pa napag-iisipan ng todo ang sasabihin ko sa aking pananalita sa programa, ang aking paksa ay "Blogging for Good Governance" good luck talaga sa akin, sa buong Bloggers Kapihan Crew at kay Among Ed na magiging blogger na bukas. wohoo! Ano uli? Bukas, ika-7 ng Hunyo, nasa kapitolyo kami ng Pampanga para pormal na ilunsad ang blog ni Gov Ed Panlilio. dahil naniniwala kami na sa pamamagitan ng blogging, ay mas madaming tao ang mararating ng kanyang mga mensahe tungkol sa pagiging mabuting Kristiyano, lingkod bayan at mamamayan. Kilala nyo naman siguro si Among Ed Panlilio diba? Sya yung pari na tumakbo para sa pagka-Gobernador ng Pampanag, kontra sa mga trapo na matagal nang nanunungkulan sa probinsyang iyon. Pagbabago sa pamamahala at panunungkulan ang hatid ni Among Ed, kaya naman kaliwa't kanan ang mga batikos sa kanya ng mga tutol sa magandang pagbabago sa Pampanga. Alam kong sabog at hilaw ang mga ideya sa sulating ito, pero bukas, live blogging kami mula sa kapitolyo ng Pampanga. Sundan nyo ang live-blogging o minu-minutong pagblog ko sa Sumilang, sa aking Twitter account at sa aking YM id (jhaykage). Kita-kits bukas!
Posted by Julius on Jun 4, '08 10:49 AM for everyone Mag-iisang linggo pa lang na onlayn ang blog ni NBN-ZTE scandal witness Jun Lozada pero mahigit 700 comments na sa kanyang 6 na posts ang inyong makikita. Ang blog na ito ay inilunsad namin ng Bloggers' Kapihan upang magkaroon ng malaya at ligtas na paraan si Jun Lozada na ipahayag ang mga bagay tungkol sa NBN-ZTE scandal, ang mga ideya, pag-aaral at mungkahing solusyon nya para sa mga suliraning kinahaharap ng ating bansa. Dito ay malaya ding sasagutin ni Jun Lozada ang mga kritisismo at pambabatikos sa kanya. Pero shempre, yung mga nasa tamang lengwahe at objektibong kritisismo lamang dahil, bilang isang tao, may karapatan at dignidad pa rin sya. Kung gusto nyong makilala kahit paano si Jun Lozada, ang kanyang mensahe, mga pangarap at karanasan, o kaya ay makipagdayalogo sa kanya, bumisita lamang sa kanyang blog: http://jlozada.com
Posted by Julius on May 4, '08 8:52 PM for everyone
Posted by Julius on Apr 2, '08 10:42 PM for everyone
Posted by Julius on Jan 29, '08 9:14 PM for everyone Yes, those who are aspiring to be full-pledged bloggers with their own website and their own www.yourname.com now have the chance to make this wish come true. How? Join this blogging contest and you could win your own domain (your web address) + webhost server for FREE! To read more about the contest, the contest rules and the prizes please visit this link: Win a FREE domain + 1GB CPanel webhosting Package for 1 year.Open to all aspiring bloggers and webmasters! Contest ends on February 28, 2008. *I'm one of the sponsors of this contest so you can relax knowing this is legit and not a scam! XD
Posted by Julius on Dec 29, '07 6:06 AM for everyone
Posted by Julius on Nov 20, '07 9:58 AM for everyone In case anyone has forgotten or did not know, this week which started last November 19 until this Friday, the 23rd of November is the National Book Week. Book worms here and abroad must be rejoicing and hitting up their books or their favorite bookstore. Why didn’t I mention the library? Well here in the Philippines, public libraries are something sort of a tourist attraction. Something that you’d find in very few towns or cities. Hell, even in my local town of Silang, the tiny public library with is obsolete books never returned to existence after its building was razed down by a fire back when I was still in my sophomore year of highschool. (Some 5 or 6 years ago?!) Read the full story here
Posted by Julius on Nov 14, '07 7:05 PM for everyone Hindi ako masyado nag ba-blog dito sa multiply pero kung curious kayo, narito ang mga nasulat ko nitong nakaraang araw: Health benefits of soy milk and the dilemma of gaining weight - ang hamon sa akin para tumaba naman kahit paano, hehehe at sana makatulong ang soy milk dito. Huli kasi akong uminom ng soy milk ay highschool pa. Kahit naman regular akong kumakain ng tokwa at taho ay sasamahan ko pa rin ng soy milk, mas mura kasi sa gatas ng mga imperyalista mula sa Nestle at para naman may bago paminsan-minsan. Kamusta ang 2nd sem nyo? - wala lang, nangangamusta lang, kakaiba ang 2nd sem na ito, magulo ang campus, ang daming malaking event pero ang lugar at bagong schedule ay tila kontra o hindi papabor para dito. Sana ay bisitahin nyo at basahin ang buong kwento. :D
Posted by Julius on Aug 14, '07 10:07 AM for everyone Ayon sa PAGASA, magiging maulan ang mga darating na araw mula Miyerkules hanggang Sabado dahilan sa ulang dala ng Hanging Habagat at ng bagyong si "Egay"
Kaya magdala ng payong, sumbrelo, jacket, kapote atbp kapag umalis ng bahay.
Sana lang ay huwag mawalan ng pasok dahil ang dami namin kailangan habulin sa mga klase.
Ayaw nyong maniwala? bisitahin nyo:
http://www.pagasa.dost.gov.ph/
Posted by Julius on Aug 8, '07 9:49 AM for everyone Opisyal na, wala tayong pasok bukas, araw ng Huwebes ika-9 ng Agosto, 2007. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil una, lugi ako kasi wala naman talaga ako klase kapag Huwebes. Pangalawa, hindi na naman matutuloy ang programa ng LSJP para sa CBA. Pangatlo, walang baon bukas.hehehe Sa kabilang banda, nakakatuwa dahil hindi obligadong magbyahe mula Silang papuntang Dasma. Hindi ko na kailangang maglaba ng uniporme para bukas. Marami akong oras para gawin ang mga bagay na dapat kong gawin. Siya, bahala na bukas. Pahabol, live na ang website ng Genshiken, bisitahin ninyo: http://genshiken-lasalle.org
Posted by Julius on Jul 30, '07 8:28 AM for everyone Wala lang, para naman magkaroon ng bago dito sa aking multiply blog. hehehe
Iniimbitahan ang lahat na sumaglit at makisaya sa Gen Assembly ng CBA. Ngayong Wednesday, 3pm to 8pm daw.
Maraming banda, maraming kasiyahan, maraming talents, maraming gagawin, at shempre, naroon ang Mannequin, (Oo, sila yung kumanta ng DLSU Alma Mater song na malupet) kaya punta na kayo.
Animo!
Posted by Julius on Jul 27, '07 9:31 AM for everyone Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi gumagana ang broadband connection ko sa bahay. Maraming maraming salamat sa Globelines sa kanilang walang paltos na serbisyo, paniningil ng mas maaga kumpara sa mga deadline na nasa bill na pinapadala nila at sa paputol-putol na koneksyon sa Silang, Cavite. Salamat nga din pala sa mga bumati sa aking kaarawan, mga kaibigan, mga kasama at mga katunggali. Maraming maraming salamat muli sa inyo! Bukas ay pupunta ako sa DLSU-Manila upang dumalo ng RTD tungkol sa mga isyung dapat pagtuunan ng pansin ng ika-14 na Kongreso. Kasama ko dito sa JM Delantar at sana ay maging makabuluhan ang mga gawain bukas. Bukas din ay Gen Assembly ng SERVE volunteers, kaya po yung mga umakyat sa workroom at hindi na muling bumalik, dalaw kayo bukas dahil matagal na namin kayong hinihintay. Yun nga lang wala ako doon bukas dahil nga tulad ng nasa itaas, nasa DLSU-Manila ako. Ano pa ba? uhmm...wala na.
Posted by Julius on Jul 11, '07 9:13 PM for everyone Hahaha, di ako makapaniwala na dito ko ito gagawin. Pero heto na nga, Kami ay naghahanap ng mga Lasallian bloggers/writers para sa isang ilulunsad na Lasallian e-magazine (on-line magazine) Para saan ang Lasallian e-magazine na ito? Narito ang mga kasagutan: Concept: On-line news and features journal/blog, e-magazine style with interactive literary section Purpose: Provide news, updates on student-related and institutional issues, activities, programs, De La Salle Philippines info. Provide interesting features related to student life inside and outside campus; serve as a venue for “self-expression” through literary writing; encourage interaction among students regardless of from what La Salle school they’re from by allowing for posting of comments, responses and reactions to posted articles. Contents: News – student and institutional activities from the various La Salle schools, sports (UAAP, PRISAA etc)
Features – student organizations, literary section, social issues/advocacy Shempre, pangarap din na maging instrumento ang Lasallian e-mag na ito para lalong magka-isa ang mga Lasalyano sa buong Pilipinas. Naks! Hindi na mahalaga kung saang La Salle school kayo nag-aaral. Mas maganda nga kung bawat La Salle school sa Pinas ay mayroong blogger/writer. Para marinig ang kwento, karanasan at katayuan ng bawat Lasalyano. Meron ba kayong matatanggap na benepisyo? Meron shempre. Kung kayo ay interesado, mag-comment lang po o kaya ay mag-email sa akin: jhay AT jrocas DOT com DOT ph Animo! EDIT: Para sa mga mag-aapply sa pamamagitan ng pag-comment sa ibaba ito po ang initial format: Name Age Course + year Level From which La Salle school you're from e-mail address blog address (kung meron) Topics na gusto nyong isulat Kung di nyo trip ilagay sa comments thread pwede nyong i-email sa jhay AT jrocas DOT com DOT ph
Posted by Julius on Jul 8, '07 10:23 AM for everyone Dito muna ako magsusulat o magba-blog habang hinihintay ko ang paglipat-bahay ng The Four-eyed Journal.
Kahapon lang ay nakuha ko na ang bagong server, mas malupet ito kumpara sa ginagamit kong server ngayon, konting teknikal na problema na lang at magsisimula na ang bagong yugto sa aking blogging career.
Dahil ayoko nang gumawa ng mga back-ups ng database ng aking blog ititigil ko muna ang pagsusulat doon at dito muna ako sa aking multiply account magba-blog.
Kung ano man ang kahihinatnan nito ay hindi ko sigurado, pero ang malinaw, panibagong pagkakataon para matuto at makakilala ng mga iba pang bloggers na dito sa multiply rumarampa.
Posted by Julius on Jun 26, '07 9:23 AM for everyone Bukas, Miyerkules ay eleksyon ng SERVE volunteers. Mamimili ng bagong Coordinator ang SERVE upang gabayan sila sa kanilang mga gagawing kababalaghan, este programa ngayong taon na ito. Kaya sa mga kapawa ko SERVE volunteers, dumalo kayo bukas sa pagpupulong at eleksyon. 1-3pm sa LCDC po tayo magkita-kita. Pakisabihan din po ang iba pang kasama. Yun lang, simple lang ang entry na ito. Pero kung gusto nyo talaga malaman kung ano na ang bago sa buhay-buhay ngayon, bisitahin nyo na lang ang The Four-eyed Journal.
Posted by Julius on May 17, '07 11:05 PM for everyone
Posted by Julius on Mar 5, '07 10:23 AM for everyone Kay tagal ko ding hindi na-update ang multiply site kong ito. Dko alam pero bukod sa naging abala talaga ako nitong mga nakaraang linggo ay parang nalimutan kong may multiply site nga pala ako. Pero sa totoo lang, kaya ako dito nagsusulat ay dahil sa ang aking blog ay hindi ko ma-access. Nagloko, nagalburuto o nabuang na talaga ang server (na naman) kaya ako at ang iba pang mga .com.ph bloggers ay hindi makapagblog ngayong mga oras sa mga .com.ph blogs namin. Ano kaya ang dahilan? Dahil ba sa mga bugs at security threats sa WordPress 2.1.1? O baka naman may hacker na namang napasok ang server.  Sana ay hindi, at sana bukas, normal na uli ang lahat.
Posted by Julius on Nov 18, '06 10:30 PM for everyone Sa totoo lang hindi ko alam ang isusulat ko dito... sa totoo lang inaantok na ako... Paumanhin kung nasayang ko lang ang oras mo sa sulatin kong ito... babawi na lang ako sa susunod. pwamis!
Posted by Julius on Oct 19, '06 1:55 AM for everyone Bago nyo pag-isipan ng kung anu-ano ang titulo ng sulating ito ay pangungunahan ko na kayo. Masakit ang ulo ko ngayon dahil kakatapos ko lang baguhin ang disenyo ng aking blog. Nakakita kasi ako ng magandang design template at ginugol ko ang buong umaga ng araw na ito para gawin ang mga kinakailangang pagbabago, programming at testing kung tama ba ang pinaggagawa ko. Maayos naman ang kinalabasan, pero hindi pa kumpleto ang buong proseso. Nasa beta testing palang ako ng bagong disenyo at hindi ko pa ito ibinibihis sa aking blog. Siguro ay sa susunod na linggo na lang uli, ayaw ko na...masakit talaga sa ulo,
| |